Title: Paalala sa Linggo ng Wika
Author: Ronillo Luciano
Source: Philippine Daily Inquirer
Poem: Paalala sa Linggo ng Wika by Ronllo Luciano
Ngunit marami rin akong napapansin
Sa mga Pilipino sa labas ng bansa natin -
Halos talikuran na ang kultura’t wikang angkin,
Masalimuot na dahilan nito’y mahirap arukin.
Kaya’t sa kapwa Pilipino ang payo ko lamang,
Ang sariling wika’y huwag niyong kalilimutan.
Saang dako ka man, dapat mong igalang
Ang diwa at dila ng lahing pinagmulan.
Sa ating paggunita ng Linggo ng Wika,
Inyo pa bang naaalala mga bayani ng bansa?
Si Francisco Baltazar, ama ng ating tula,
Dala’y kasaysayan nitong Inang Bansa.
Tandaan din ang pangaral at halimbawa
Ni Dr. Jose Rizal na noon ay nagwika,
Ang hindi magmahal sa sariling wika,
ay higit pa sa hayop at malansang isda.
Related Information:
halimbawa ng rap;