SELaplana >> Songs Lyrics >> S >> Sheryn Regis >>
Title: Sana’y Ingatan Mo
Album:
Artist: Sheryn Regis
I
Pinilit kang iwasan
Baka masaktan lang
Pagkat marami ng pag-ibig
Ang sa’yo ay nagdaan
Paano pipigilan
Pagsuyong nararamdaman
Hiling ko lang ko lang sa’yo
Ay huwag sanang paglaruan
CHORUS I:
Ang puso ko sana’y ingatan mo
Pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mo sana’y magtatagal
Ang ‘yong pagmamahal
Hindi magbabago
II
Sana’y maunawaan
Aking alinlangan
Pagkat marami ng nakita kong
Bigo at luhaan
Kaya’t ang pakiusap
Sa iyo ay pakinggan
Hiling ko lang sa’yo
Ay huwag sanang paglaruan
CHORUS II:
Ang puso ko sana’y ingatan mo
Pagkat ngayon pa lang magmamahal ito
Ipangako mong hindi mo sasaktan
Iiwang sugatan itong damdamin ko/(ang puso kong ito)
REPEAT CHORUS I & II
Sana’y ingatan mo
SELaplana >> Songs Lyrics >> S >> Sheryn Regis >>
| 3.0 |

SELaplana, 5 July 2008 at 


Leave a Reply