SELaplana >> Lyrics >> Christmas Songs >>

Lyrics - Ang Diwa Ng Pasko – OPM Christmas Songs


Title: Ang Diwa Ng Pasko
Album:

Artist: 

Sa Pagsilang itong Berbo
Nagdiwang ang mundo
At ang tatlong Haring Mago
Nag-alay sa Niño
Naging diwa nitong Pasko
Ang mag-aginaldo
‘Yan ang ugaling kay gandang
Di dapat magbago

May mansanas at peras
Lansones at ubas
Dalanghita at litsiyas
Mayroon ding castanyas
Sari-saring mga prutas
Ating malalasap
Tuwing araw ng Pasko’y
Ganyan sa nayon at bayan

Koro:
Di mabilang ang namamasko
Ninang at Ninong ay nalilito
‘Yan ang diwa ng ating Pasko
Magbigayan sana tayo
Kahit hindi Pasko

SELaplana >> Songs Lyrics >> OPM Christmas Songs >>

Ads

Tags: Bookmark and Share

Comments

Leave a Reply